Maraming tao ang nahuhumaling sa social media. Ginagamit ang internet sa kung anu-anong bagay - sa negosyo man o sa personal na dahilan. Dumadami na din ang bilang ng mga sumisikat at masasabing nagpapabibo lang naman sa social media. Ang topic na 'to ay tungkol sa paggamit ng "hashtags" sa mga pinopost natin sa internet. Hindi ako nagmamarunong pero sadyang may mga araw na matatawa at maasar ka na lang kapag nakakabasa ka ng mga ganito:
#nakakapanirangarawitongisangito
#sinongmagsasabingakoaymasaya
#ikawtalagaangmahalkoathindisiya
Sabi nga nila, hindi lahat ng tao ay interesado sa mga pinopost mo. Hindi ko rin naman masisisi ang mga tao dahil tanggapin na natin, social media ang nagiging outlet nating mga tao para makapaglabas ng saloobin - kahit yung mga pag-a-attempt ng suicide. Nakakaloko lang di'ba? Meron pa nga, magpopost ng picture nila ng umiiyak dahil heart broken. Merong pang caption na: "#BCOZ I LHUV YOU, I SET YOU FREE #MHALQ"
Mabalik tayo. Ang hashtag kasi ay ginagamit para sa mga makabuluhang topics. Ito ay nausong magamit para malaman ang trending sa internet. Simplehan lang nating ang paggamit ng hashtags. Hindi naman kailangan na parang isang buong lyrics ng kanta ang itype mo. At isa pa, balewala ang hashtag mo kung nilalagyan mo ng space sa bawat salita #dapatdiredirecholangathanggatmaaariwalangspecialcharactersgetsmoba.

No comments:
Post a Comment
Let me know your thoughts! Thank you!