THIS IS MY PERSONAL BLOG SITE. ANYTHING RANDOM ABOUT LIFE. PUWEDENG MGA HUGOT SA BUHAY AT KUNG ANU-ANO PA, DI'BA?

Sunday, November 12, 2017

First Time to be working in Bonifacio Global City, Taguig

Photo grabbed from @enzorenzo_
Nakapunta naman na ako ng BGC even years ago. Pero this time, dito ako nakahanap ng aking mapagtatrabahuan. I have been in the BPO industry for 12 years now. So nasanay na din ako sa graveyard shift. Normal nalang sa akin ang eyebags. I'd say that I am fortunate to get a job that is entirely different to what I have been doing the past decade. From BPO to KPO (Knowledge Process Outsourcing). Although bagong workplace, it is something to challenge myself to become better. Hindi ako natakot makihalubilo sa mga bagong tao at bumuo ng bagong mga kaibigan.

Para sa mga taga-Marikina na kagaya ko, isang challenge ang pagpasok at pauwi. Share ko lang kung paano ako nakakarating ng BGC at bumabalik ng Marikina. Kung mayroon man kayong alam na mas madaling way, kindly share it to everyone. Thank you in advanced!



Photo grabbed from a Flickr Account: JuanMigz®
So yun na nga. Ang shift ko ay 10PM. Kelangan 8:30 PM nagaabang na ako ng mga UVExpress na pa-Ayala. Magbabayad ako ng 40 pesos at sasabihing bababa ng Kalayaan Flyover. Pagkababa ko, tatawid ako para maglakad papasok ng BGC. Tapos ayun na. Nakakarating ako ng office 30 to 45 minutes early. Approximately 15 to 20 minutes and nilalakad ko so may exercise na ako everyday. Ganun lang din gagawin ko pauwi. Kung saan ako nglakad at bumaba - dun lang din ang sakayan pabalik ng Marikina. Yung 40 pesos pala na pamasahe ay para sa Barangay Jesus dela Peña. 

Mahal kasi pamasahe kung mag-u-Uber ka o kaya Grab. Sa pagtitiyaga ko maglakad at sumakay ng UVExpress, 80 pesos a day lang magagastos mo sa transportation. 



ALTERNATIVE

The BGC Bus
Natuklasan ko din na merong isa pang way paano makarating ng BGC at makabalik ng Marikina. Sasakay ka din ng UV Express mula Marikina. Kung walang Ayala, pwede kang sumakay ng pa-Market! Market! Tapos mula don, may mga makikita kang BGC Bus. Iba-iba ang route nyan kaya depende sa mismong pupuntahan mo sa BGC. I-share ko sa inyo ang link for more details:







Photo grabbed from jamesdeakin.ph
Ganun lang din pabalik. Sa loob ng BGC makikita mo ang mga BGC Bus, sakyan mo ang Central Route para makarating ka ng Market!Market!. Meron silang mga ticket booth at pwede ka rin gumamit ng beep card.


"The beep™ card is a tap-and-go payment system for train and select Metro Manila bus operators. It can be purchased for P20 from all MRT and LRT stations, as well as the BGC Bus Terminal at Ayala and Market! Market! It is reloadable and valid for four years. As of press time, there  are  2  million  beep™  cards  in  use."...Read more




No comments:

Post a Comment

Let me know your thoughts! Thank you!